| Willie Revillame forgives robbers |
| Written by staff | |||||||
| Thursday, 06 November 2008 01:17 | |||||||
|
“Maraming salamat sa nagnakaw sa akin. Malay mo may sakit ‘yong asawa niya, malay mo ooperahan ang anak niya. Malay mo walang kakainin. ‘Yong ninakaw mo sa akin pamasko ko na sa iyo ‘yon.”‘Yan ang mga binitiwang salita ni Willie Revillame noong Martes sa “Wowowee” sa pagbabalik niya sa pagho-host ng noontime show matapos maganap ang pagnanakaw sa kanyang bahay noong weekend. Naging suspects sa pagnanakaw ng P3 milyon na halaga ng relo at alahas ang dalawang kasambahay ni Revillame na sina Edna Pasague at Andresa “Maresa” Wenceslao. Mariin na itinangi nang dalawa ang mga paratang sa kanila sa pag-i-interrogate sa kanila ng pulis. At dahil na rin sa tagal ng dalawa sa serbisyo kay Willie ay pinatawad na nito sina Pasague at Wenceslao. “Bilib ako sa dalawang maids ko, mapagkakatiwalaan ko. Kahit anong interrogation tinanong ng mga pulis sa kanila…malalaman mo kung nagsisinungaling o hindi ‘yong dalawang maids ko. Si Maresa at si Edna, mahal na mahal ko ang dalawang yan,” dagdag pa ng host sa kanyang announcement sa Wowowee. Pinauwi na ni Willie ang dalawang kasambahay sa kanyang bahay pero sasailalim pa rin sila sa lie detector test na dahil na rin sa pananagutan nila sa batas. Makukuha ang resulta ng test sa loob ng isang linggo. Samantala habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa robbery case, malakas ang usap usapan na malapit lamang sa TV host ang gumawa ng krimen na ito. Tags: Wowowee Willie Revillame
Set as favorite
Bookmark
Email This
Trackback(0)
Comments (0)
![]() Write comment
|
| Related Articles | |
|