Forgot your password? Forgot your username?
Member Area
You are here:
John Lloyd Cruz, star builder end 11-year rift
Written by staff   
Wednesday, 26 November 2008 02:42

John Lloyd Cruz with SarahPagkatapos ng humigit-kumulang sa labing-isang taon, nagkabati na sina John Lloyd Cruz at ang orihinal na nakadiskubre sa kanya, si Regie Picayo.

Sa isang out-of-town show kamakailan, inayos nina John Lloyd at Regie ang kanilang hindi pagkakaunawaan. Si Picayo ang nakatuklas kay Cruz sa isang mall pero nang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN ang aktor ay nawala na sa kanyang buhay ang talent scout, isang bagay na ikinasama ng loob nito.

Gayunman, sa lahat ng pagtitipon, ipinagmamalaki at pinasasalamatan ni John Lloyd na si Regie ang nakatuklas sa kanya. “Hindi ko mararating ang kinalalagyan ko ngayon kung hindi dahil kay Regie Picayo,” madalas sabihin ng aktor.

Pero hindi pa natatagalan, sa Cebu, ay nagkita ang dalawa nang bumisita ang batang aktor sa mga mall doon.

Ayon kay Regie, nakiusap ang marketing ng mall na makipag-ugnayan it okay John Lloyd para makapunta sa Cebu. Bagamat nag-aagam-agam, kinausap ni Picayo ang handler ni Cruz sa ABS-CBN at agad namang pumayag.

Sinabi ni Regie na madalas marinig ng handler ni John Lloyd ang kanyang pangalan lalo na mula sa aktor kaya hindi ito nahirapan sa pag-imbita.

Agad pinayagan ng ABS-CBN si Cruz na bumisita sa tatlong sangay ng mall sa Cebu.

At dahil kasama rin si Picayo sa grupo, bagamat hiwalay ang kanyang pagsakay sa eroplano kay John Lloyd—nagkrus ang kanilang landas.

Noong una ani Picayo ay hindi siya napansin ng kanyang dating alaga pero sa kasunod na pangyayari ay nagtama ang kanilang mga paningin.

Niyakap ni John Lloyd nang mahigpit ang kanyang tagapagtuklas at matagal silang nag-usap.

“Sabay kaming nag-dinner. Hindi na kami nag-usap pa tungkol sa mga nangyari, sa aming paghihiwalay pero alam na namin ‘yon sa isa’t isa. Nauunawaan namin ang isa’t isa kaya wala nang bitterness,” sabi ni Picayo.

Sinabi ni Regie na hindi pa rin nagbabago si John Lloyd. “Thoughtful pa rin siya.”

Nangako sila sa isa’t isa na magtutulungan sa abot ng kanilang makakaya.

 

- Boy Villasanta, abs-cbnNEWS 




Trackback(0)
Comments (0)Add Comment

Write comment
quote
bold
italicize
underline
strike
url
image
quote
quote
smile
wink
laugh
grin
angry
sad
shocked
cool
tongue
kiss
cry
smaller | bigger

busy
 
Related Articles

Google Search

Webtvpinoy.info

Categories

News