| Yasmien Kurdi tired of being dragged in JC, Rhian team-up |
| Written by staff | |||||||
| Friday, 04 July 2008 22:23 | |||||||
|
Matapos kasi ang tandem nina Yasmien at JC de Vera sa Babangon Ako't Dudurugin Kita ay si Rhian Ramos na ang bagong ka-love team ng young actor sa susunod nitong TV project, ang La Lola. Kaya't sa mga naglalabasang interview ay laging nasasabit ang pangalan ni Yas (tawag kay Yasmien). "Ayoko nga pong mag-comment, e. Dapat hindi ako isama sa mga issue niya kasi wala namang something sa amin. Bale trabaho lang po ‘yon at walang personalan. "Ako po kasi, kung ano lang ang sasabihin ng network, ‘yon lang po ang sinusunod ko. At saka ayoko nang palakihin pa ang issue, ang dami-dami kasing naglalabasan na wala naman pong katotohanan," paliwanag ni Yasmien nang naka-chat siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) habang nasa Camarines Sur siya para sa isang wakeboarding competition doon. May tampo ba siya sa pagkabuwag ng love team nila ni JC? "Lilinawin ko lang po, hindi ako nagtatampo sa kanya. At bakit naman po ako magtatampo? Ano pong rason, hindi ba?" saad ni Yasmien. Patuloy niya, "Pinapalaki lang po ‘yong issue. Ang pangit naman po kasi para sa akin dahil hindi naman ako kasama sa movie or sa programa nila sa TV to be included sa mga issue po. Tingin ko tuloy, parang lagi na lang nasasama ang pangalan ko kahit wala naman po akong sinasabi or walang ginagawang masama. Minsan nga, nagugulat na lang ako na kasama na naman ako. Nananahimik nga po ako, 'tapos sinasali pa sa mga ganyan." Nilinaw rin niyang hindi siya nagseselos kay JC kaya't pakiusap ng young star na produkto ng StarStruck na tantanan na siya ng intrigang hindi naman dapat madawit ang kanyang pangalan. "Regarding pa rin po kay JC, kasi nga, ako nga ang dehado rito dahil pinapalabas nila na nagseselos daw ako. E, hindi naman po dahil hindi naman naging kami ni JC. Tuloy lumalabas po na parang naghahabol ako, e, hindi naman po. Nakakainis po, di ba? Parang they're putting words into my mouth, e, hindi po ba napaka-unfair nun?" iritadong paliwanag ni Yasmien.
Set as favorite
Bookmark
Email This
Trackback(0)
Comments (0)
![]() Write comment
|
| Related Articles | |
|