| Kapuso artist among 2009 Bb. Pilipinas candidates |
| Written by staff | |||||||
| Saturday, 07 February 2009 00:55 | |||||||
|
Kabilang si Rich sa mga alumnae ng talent search ng Kapuso Network na StarStruck. Ginamit ni Rich ang tunay niyang pangalan sa Bb. Pilipinas na Richell Angalot. “I truly believe in my self. Hindi ako pumunta rito na bara-bara lang. I prepared for this, gumagawa ako ng paraan para maging okey ako sa competition," pahayag ni Rich sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Pasok sa kompetisyon ang 2007 Bb. Pilipinas second runner up na si Abigail Cruz na nobya naman ng Kapuso host na si Paolo Bediones. “Very happy siya kasi iba ito. Before nagkakilala kami, ngayon kami (na)," ayon kay Abigail. Samantala, umuwi naman mula sa U.S. si Ma. Paula Bianca Paz para sumali sa beauty pageant. Inamin ng dalaga na sila na ng Kapuso hunk star na si Polo Ravales. Ayon kay Bianca, todo ang ibinigay na suporta sa kanya ni Polo sa paghahanda sa kompetisyon. Ano naman kaya ang inaasahan ng organizer ng Bb. Pilipinas sa mga kandidata? “I think the group is very exciting. There are many different personalities here so I think it gonna be very challenging for the judges to come up with the winners," sinabi ni Gng. Stella Marquez de Araneta, chairperson Bb. Pilipinas Charities Inc. Gaganapin ang grand coronation night ng Bb. Pilipinas sa March 7 at mapapanood ito sa GMA 7.
Set as favorite
Bookmark
Email This
Trackback(0)
Comments (0)
![]() Write comment
|
| Related Articles | |
|