|
Ex-sexy star Ramona Revilla now a millionaire with American BF |
|
Written by staff
|
|
Tuesday, 25 November 2008 04:16 |
|
Ngayong wala nang ginagawang bold movies, nakatengga na lang ang mga bold star bagamat may panaka-nakang naisasali sa mga digital o independent film.
Paano nabubuhay ang mga seksing artistang babae ngayong patay na ang bold films? Ang isa sa mga kasagutan ay pagpunta sa ibang bansa.
Kamakailan ay bumalik sa Pilipinas si Ramona Revilla, ang kotrobersyal na aktres na ipinangalan ng kanyang dating manager na si Lito de Guzman sa mag-amang Ramon Revilla, Sr. at Ramon “Bong” Revilla, Jr.
Sa kaarawan ng patnugot at peryodistang pampelikula na si Art Tapalla sa basketball court ng Maricaban sa Pasay City noong Linggo ng gabi, bigla na lang sumulpot si Ramona sa pagtitipon.
“Galing lang po ako sa States. Pabalik-balik na lang ako sa States at Pilipinas,” pahayag ni Ramona nang walang bakas ng kayabangan.
Ayon sa dating bold star, pagkatapos na mawala ang kanyang buy and sell ng kotse ay nakilala niya ang isang Amerikano sa pamamagitan ng kanyang pinsan.
“Ipinakilala niya ako sa isang thirty eight year old na American bachelor at nagkasundo naman kami. I love him so much,” sabi ni Ramona.
Pero ayaw nang ilantad ng aktres ang tunay na pagkatao ng kanyang boyfriend dahil aniya’y hindi naman ito artista.
Inhenyero ang nobyo ni Ramona at ayon sa kanya ay “very gentlemanly.”
Maganda, seksi at mestisa pa rin si Ramona at hindi nawawala ang kanyang matatamis na ngiti. Pati na ang kanyang malulusog na dibdib ay nag-uumapaw sa plunging neckline na kanyang suot ng gabing ‘yon.
Sinabi ni Ramona na kung may magandang papel na ibibigay sa kanya sa pelikula, digital man o 35mm ay kanyang tatanggapin pero wala na anyang sexy roles.
“Tapos na ako r’yan,” wika niya.
Negosyo ang kanyang pinagkakaabalahan. Nagpoprodyus siya ng mga concert at ang pinakahuli ay ang pagtatanghal ng foreign act na si Keith Martin.
Balak niyang magdala ng iba pang sikat na mang-aawit sa ibang bansa para dalhin sa Pilipinas at sa iba pang bansa sa Asya.
Nang biruin siya ng mga nakapalumpon sa kanya na mga movie scribe kung siya ay isa nang mailyonarya, napangiti lang si Ramona subalit kinumpirma ito ng kanyang kaibigang movie reporter na si Jhun Bombay. - Boy Villasanta, abs-cbnNEWS
Trackback(0)
|