|
Iza Calzado ready to go daring |
|
Written by staff
|
|
Wednesday, 26 November 2008 02:26 |
|
Sa edad na 26, hindi na raw bagay kay Iza Calzado ang magpa-tweetums. Kaya naman handa na raw siyang tumanggap ng mga daring at sexy roles sa susunod na taon.
Sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Martes, ipinakita ang isang simple pero seksing Iza habang dumadalo sa premiere night ng pelikulang “Scaregiver” na pinagbidahan nina Jose Manalo at Wally Bayola.
Nang tanungin kung bakit siya seksi nang gabing iyon, nahihiyang sumagot ang dalaga na, “Ewan ko ba, (maybe) it’s the dress.”
Tila nga na handa na si Iza na magpa-seksi dahil marami ang nakapansin sa kakaiba niyang pag-atake sa love scene nila ni Dingdong Dantes sa pelikulang “One True Love” kung saan kasama rin si Marian Rivera.
Gusto rin daw ipakita ng dalaga na hindi lang siya sa mga wholesome role pwede kundi maging sa mga daring role na rin.
“It’s about time, I’m 26 years old. People won’t buy if I go pa-tweetums. Minsan iniisip ko pwede pa ba kong magpa-tweetums?” ayon sa aktres.
“Dapat tanggapin na rin nila na at 26, syempre I’m also going for mature roles and mas mabigat. Pero not sana naman puro laging love scene o kissing scene,” pahabol ni Iza.
Sa premiere night ng “Scaregivers,” sinabi ni Iza na natutuwa siya para kina Jose at Wally sa kanilang first lead role sa movie kaya nais niyang suportahan ang dalawang komedyante na napapanood din sa noontime show na “Eat Bulaga.” - Fidel Jimenez, GMANews.TV
Trackback(0)
|