Forgot your password? Forgot your username?
Member Area
You are here:
‘Paolo Contis sparks changes in Lian Paz’s life’
Written by staff   
Saturday, 17 January 2009 04:36

Napansin daw ng mga myembro ng sikat na dance group na EB Babe ang malaking pagbabago sa kanilang kasama na si Lian Paz mula nang mapabalita ang espesyal na relasyon nito sa Kapuso star na si Paolo Contis.

“Lagi siyang happy. Pagpasok pa lang sa dressing room, Hi! Sobrang laki na ng smile," kwento ng isang myembro ng EB Babe sa Chika Minute portion ng GMA news 24-Oras nitong Biyernes.

Idinagdag naman ng isa pang myembro ng grupo na matibay na rin daw ngayon si Lian sa kabila ng mga intriga sa kanilang relasyon ni Paolo.

“Kahit anong intriga ang ibato sa kanya hindi nya pinapansin. Kasi basta masaya siya saka alam naming wala namang mali," ayon kay EB Babe Joyce.

Suportado raw ng grupo ang pag-iibigan ng dalawa at nakilatis na rin daw nila si Paolo nang nagsisimula na itong pumorma kay Lian.

“Nakikita po namin na mahal nila ang isa’t- isa kaya sinusuportahan din namin si Lian. Kung saan siya sa masaya, doon din kami," idinagdag naman ni EB Babe Mae.

Ibinisto ng grupo na hindi lang ang pamilya ni Lian ang sinuyo ni Paolo para mapalapit sa magandang mananayaw.

“Nagbibigay siya (sa amin) ng pagkain!," pagbisto ng grupo kay Paolo.

Trackback(0)
Comments (0)Add Comment

Write comment
quote
bold
italicize
underline
strike
url
image
quote
quote
smile
wink
laugh
grin
angry
sad
shocked
cool
tongue
kiss
cry
smaller | bigger

busy
 
Related Articles

Google Search

Webtvpinoy.info

Categories

News