| Nadia Montenegro ready to patch up with Gretchen |
| Written by staff | |||||||
| Saturday, 17 January 2009 04:53 | |||||||
|
Matapos mabulag ang isang mata at makaranas ng atake sa puso noong 2008, nais daw ni Nadia Montenegro na gawing positibo ang 2009 sa pamamagitan ng pakikipagbati sa kanyang mga nakaaway lalo na sa dating kaibigan na si Gretchen Barretto.Sa "Chika Minute" portion ng "24 Oras" ng GMA nitong Huwebes, isiniwalat ni Nadia ang madilim na karanasan nang mawalan ng paningin ang kaliwa niyang mata bago mag-Pasko. Bisperas daw ng Pasko nang magpakonsulta sa ospital si Nadia sa pagkabulag ng isang mata at dito, nakita na napunit ang retina nito. Kung hindi umano mag-iingat, posibleng madamay ang kanyang kanang mata. “It has something to do with my immune system. Kung hindi maagapan, pati right eye ko mangyayari rin kasi my implant din ako sa right eye," ayon sa dating teen star. Nitong Enero 6 ay sumailalim na si Nadia sa operasyon para ayusin ang napunit na retina at naputol na ugat sa mata. Bagaman nakakaaninag na ang kaliwang mata, inoobserbahan pa rin ito at kailangang dumaan pa sa laser surgery. “Another laser and kung maagapan sa laser hindi na gagawin ang second surgery sa eye ko," dagdag ni Nadia. Bukod sa dating kaibigan na si Gretchen, nakaalitan ni Nadia noong 2008 ang entertainment columnist na si Cristy Fermin at talent manager na si Rose Flaminiano. Pero ngayong 2009, wala na raw galit sa puso ng dating aktres. Handa na bang kausapin ni Nadia si Gretchen? “Honestly, siguro sa pagkatao ko talaga, if I see her, I will smile. Sana it can be the same like before but I really doubt. Things will not be the same again, but again it’s 2009, wala na akong galit sa kahit kanino," sagot nito. Nakausap ng GMA News si Gretchen at nagpahayag din ito ng kahandaan na makipagkasundo na kay Nadia. Sinabi ng sexy actress na marami rin naman daw silang pinagsamahan ng kaibigan at dapat lang daw na magkasundo na silang muli. Samantala, plano ni Nadia na mag-organisa ng celebrity golf tournament sa US kapag tuluyan ng gumaling ang kanyang mga mata.
Set as favorite
Bookmark
Email This
Trackback(0)
Comments (0)
![]() Write comment
|
| Related Articles | |
|