Forgot your password? Forgot your username?
Member Area
You are here:
Robin, Regine to team-up in GMA's 'Totoy Bato'
Written by staff   
Saturday, 17 January 2009 08:39

Tuloy na ang pagsasabuhay sa telebisyon ng dalawa pang obra ni Carlo J Caparas kabilang na ang “Totoy Bato" na pagtatambalan nina Robin Padilla at Regine Velasquez sa GMA Network.

Sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, nagpirmahan ng kontrata sina Direk Carlo at GMA Network na pinamunuan nina GMA chairman, president and CEO Atty Felipe L Gozon at GMA Senior VP for Entertainment TV Wilma Galvante.

Ang pirmahan ay sinasaksihan ni Robin at anak nitong si Kylie na siyang magiging bida sa isa pang obra ni Carlo na “Panday Kids."

Pinaghahandaan na umano ni Robin ang kanyang magiging papel sa “Totoy Bato" na isang boksingero na ginampanan sa pelikula noon ng yumaong Fernando Poe Jr.

“Syempre ang hari si FPJ, isang malaking karangalan po at isang malaking paghamon," ayon kay Robin.

Masaya rin ang aktor sa muli nilang pagtatambal ng Asia’s Song Bird na si Regine. “Tamang kombinasyon, Carlo J Caparas, andyan ang direktor ng ‘Joaquin Burdado,’ andyan ang GMA, dapat yung kasama tugma rin."

“Alam ko na isang magandang panoorin naman ang matutunghayan ng mga televiewers natin," sambit naman ni Direk Carlo.

Natutuwa rin ang pamunuan ng Kapuso Network sa panibagong proyekto ng mga obra ni Direk Carlo.

“Hindi ko na mabilang itong ating partnership kay Carlo pero sa tingin ko naman lahat ng ating mga istorya na kinukuha kay carlo ay mataas naman ang rating…National treasure ‘yan kaya tayo’y tuwang-tuwa dahil sa atin sya nagbibigay ng tiwala," pahayag ni Atty Gozon.

Trackback(0)
Comments (0)Add Comment

Write comment
quote
bold
italicize
underline
strike
url
image
quote
quote
smile
wink
laugh
grin
angry
sad
shocked
cool
tongue
kiss
cry
smaller | bigger

busy
 
Related Articles

Google Search

Webtvpinoy.info

Categories

News