| BB Gandanghari pinapantasya si Richard Gomez |
| Written by staff | |||||||
| Wednesday, 21 January 2009 01:46 | |||||||
|
Tama ba na nakulitan siya dahil sa tanong ko kung sino sa mga aktor ang kanyang nakarelasyon noon? Umirap at tinaasan ako ng kilay ni BB. Sinabihan niya ako na makulit dahil dead na nga raw si Rustom Padilla kaya hindi correct na tanungin siya! Talagang pinanindigan ni BB ang pagiging girl! Mahinhin ang kanyang mga kilos at Inglesera na siya. Ang nagagawa nga naman ng tatlong buwan na pamamalagi sa New York. Tanggap na tanggap ko ang pagkatao ni BB. Naloka lang ako dahil talagang ibinaon na niya sa limot si Rustom. Inulit ni BB na hinding-hindi na siya tatanggap ng gay roles dahil babae na ang kanyang katauhan. Inulit niya rin na si Richard Gomez ang kanyang feel na maging leading man. Nagduda tuloy ako na dati nang crush ni BB ang asawa ni Lucy Torres pero dahil si Rustom siya noon, hindi niya masabi ang isinisigaw ng kanyang puso. Ibang-iba si BB kay Rustom dahil hindi nahihiya si BB na i-express ang sarili. May magagawa ba tayo kung si Richard ang kanyang type? Ang tanong, papayag ba si Richard na maging love interest si BB with matching kissing scene or love scene?
Set as favorite
Bookmark
Email This
Trackback(0)
Comments (0)
![]() Write comment
|
| Related Articles | |
|