Forgot your password? Forgot your username?
Member Area
You are here:
Yo soy Betty La Fea
Written by staff   
Wednesday, 14 May 2008 21:50

Ngayong opisyal nang in-announce na si Bea Alonzo ang gaganap sa Yo soy Betty La Fea, ang tanong ay sino kaya ang mapipili para sa karakter ni Armando, ang leading man ni Betty?

Marami ang naghahangad na makuha ang role na ito hindi lamang dahil makakapareha niya ang isa sa pinaka-magaling na aktres sa industriya, ngunit dahil din maganda ang karakter ni Armando Mendoza. Si Armando ay gwapo, matalino, edukado at ang presidente ng kumpanyang Eco Moda kung saan nagtatrabaho bilang sekretarya si Betty. Siya rin ang magiging lalaking makakabihag ng puso ni Betty.
Para sa magandang akres, nang tanungin siya ni Ruffa Gutierrez sa The Buzz noong Linggo, ang top 5 choices ni Bea para sa role ng kanyang leading man ay sina Gabby Concepcion, Aga Muhlach, Diether Ocampo, Piolo Pascual at Jake Cuenca.

Sila ang mga lalaking pinili ni Bea para sa nasabing role. Ngunit ayon sa management, may napili na daw ang production team para sa role ni Armando. Pasok kaya siya sa mga top picks ni Bea? Sino itong mapalad na aktor?

Abangan sa iba pang updates ng Yo soy Betty La Fea.

Trackback(0)
Comments (0)Add Comment

Write comment
quote
bold
italicize
underline
strike
url
image
quote
quote
smile
wink
laugh
grin
angry
sad
shocked
cool
tongue
kiss
cry
smaller | bigger

busy
 
Related Articles

Google Search

Webtvpinoy.info

Categories

News