| BAYOLENTE! |
| Written by Jojo Gabinete- Abante.com.ph | |||||
| Sunday, 19 August 2007 10:01 | |||||
|
Sa interview sa magulang ng singer-actress, nabanggit nito na graduate ng isang kilalang university ang kanyang anak. Binanggit pa ng ina ng aktres ang pangalan ng kanyang music teacher. Nabasa ng music teacher ang mga pahayag ng ina ng aktres. Hindi maganda ang naging reaksyon ng guro dahil ayon dito, hindi pa tapos ng pag-aaral o hindi pa gra-duate ang singer-actress na estudyante niya. Hindi na namin idedetalye pa ang ibang sinabi ng music teacher pero tinitiyak namin sa inyo na "bayolente" ang kanyang naging reaksyon. *** Sen. Bong RevillaMag-uumpisa mamayang gabi, pagkatapos ng "Showbiz Central", ang Kap’s Ama-zing Stories, ang bagong show ni Bong Revilla sa GMA 7, na hango sa mga kuwento ng amazing stories ng National Geographic. Nagpapasalamat si Bong sa pagtitiwala na ibinigay ng GMA 7 management at natutuwa siya sa bagong phase ng kanyang career bilang artista. Si Cecille de Guzman ang Production Unit Manager ng Kap’s Amazing Stories. Hindi nagkamali ang GMA 7 sa pagpili kay Bong bilang host ng nabanggit na programa dahil nagamit niya ang kanyang pagiging mahusay na aktor. Sanay si Bong sa dubbing kaya naibigay niya ang tamang emos-yon na kailangan sa voice-over ng mga nakamamangha na episode ng Kap’s Amazing Stories. Infotainment show ang description ni Bong sa kanyang show dahil informative at entertaining ito. Mapapanood sa Kap’s Amazing Stories ang videos mula sa Most Amazing Moments ng National Geographic tulad ng mga matitinding death-defying stunts, ang karanasan ng isang videographer na nagtangka na kunan ang powerful tornado, ang underwater cameraman na inatake ng higanteng pusit at marami pang iba. *** Gaya ng mga kuwento sa kanyang programa, may personal experiences si Bong na itinuturing niya na amazing, ang kanyang participation sa hostage-taking drama situation noong April 2007, ang barilan sa pagitan ng dalawang tauhan nila na nangyari sa loob ng kotse na sinasakyan niya noong bata pa siya at ang pananalanta ni typhoon Yoyong sa lalawigan ng Quezon noong December 2004. Hindi malilimutan ni Bong ang panganib na hinarap niya nang pumunta siya sa Real, Quezon para tulungan ang mga nasalanta ng malakas na bagyo. Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, nakita ni Bong ang mga alon sa dagat na kasinlaki ng mga building. Ang illegal logging ang dahilan ng landslides at pagbaha sa lalawigan ng Quezon, ilang linggo bago mag-Pasko noong 2004. Nagmarka sa utak ng mga Pilipino ang sinabi ni Bong sa kanyang pri-vilege speech sa Senado: Buhay ang inutang kaya buhay din ang kabayaran. Death to illegal loggers! Dalawang araw na namalagi sa Real, Quezon si Bong kaya nasaksihan niya ang masakit at mahirap na kalagayan ng ating mga kababayan na biktima ni typhoon Yoyong. Ayon sa actor-turned-senator, ang karanasan niya sa Real ang dahilan kaya siya ay naging complete human being at better public servant.
|
| Related Articles | |
|