| Paolo Bediones reveals details about Survivor finale |
| Written by staff | |||||||
| Thursday, 04 December 2008 01:01 | |||||||
|
"Magsisilbing reunion ito ng 18 castaways," simula ni Paolo. "Sa first part, ipapakita ang eight members ng Jury at ang final two. Tinapos na naming lahat ang challenges sa Thailand at pagkatapos bumoto ng Jury, naka-seal na ang name ng winner. Hindi rin nila alam kung sino ang nanalo at kahit ako ay hindi ko alam kung sino. During the finals, a few seconds bago ko i-announce ang winner, saka ko lang malalaman kung sino ang tatanggap ng three-million cash prize. "May ipapakita rin kaming recap ng mga nangyari sa isla during the challenges. Ipapakita rin ang pagtatalo-talo ng Jury, na kinu-question nila kung bakit ‘yon ang napiling final two. It will be an emotional night dahil everyone joined for the same purpose, pero isa lang ang mananalo. "Pagkatapos ng grand finals, magte-taping na rin kami para sa reunion show na mapapanood sa Sunday, December 14. Ito naman yung reaction ng mga naunang lumabas na castaways matapos nilang mapanood kung ano ang nangyari sa show, at kung ano ang nabago sa kanila pagkatapos nilang sumali sa Survivor Philippines." Sa kasalukuyan, apat na lang ang natitirang castaways sa Survivor Philippines: sina Charis Yacapin, Cris Cartagenas, JC Tiuseco, at Rob Sy. Bilang host ng Survivor Philippines, may nabago rin ba kay Paolo? "Yes," sagot niya. "Ngayon, mas gusto ko ang simple life. Na-appreciate ko ngayon yung mga small things na hindi ko naisip na magagawa ko. It's true na maayos akong nakakatulog sa isang bunk doon, na kasama ko ang may 91 all-Filipino production crew ng show. May bathroom, may electric fan, pero walang special things dahil wala namang hotel doon. Resort ‘yon na ginamit ng mga castaways. "Doon ko na-realize na dapat ay hindi tayo mag-aspire ng mga bagay na hindi naman natin kailangan, na dapat tayong mag-share ng blessings natin sa ibang tao. Doon, nagkaroon din ako ng Bible study sa grupo. Malaki ang naitulong no'n sa amin sa loob ng 45 days na nag-stay kami sa Thailand.
- Philippine Entertainment Portal
Set as favorite
Bookmark
Email This
Trackback(0)
Comments (0)
![]() Write comment
|
| Related Articles | |
|